Mga Komite
Komite ng Konstitusyon at Mga Batas
Sinusuri ng Komite ng Konstitusyon at Mga Batas ang mga ipinapanukalang pagsusog sa Internasyunal na Konstitusyon at nagrerekomenda ito ng naaangkop na aksyon ng Kapulungan.
Komite ng Mga Apela
Dinidinig ang anumang apela mula sa mga desisyon ng IEB sa mga panloob na paghahabla at iba pang mga bagay at nagrerekomenda ng aksyon sa pamamagitan ng Kumbensiyon.
Komite ng Mga Kredensyal
Iniuulat ng Komite ng Mga Kredensyal ang bilang ng mga rehistradong delegado at kahalili at bilang ng mga kwalipikadong boto, at gumagawa ito ng mga pagpapasyang iniuulat sa Kapulungan tungkol sa paghalal sa mga delegado na may mga pagpapatalang isinumite pagkatapos ng deadline ayon sa konstitusyon o mga delegado na hinahamon ang pagiging kwalipikado.
Komite ng Mga Panuntunan
Sinusuri ng Komite ng Mga Panuntunan ang mga panuntunan mula sa nakaraang Kapulungan at nagpapanukala ito ng mga panuntunan para sa Kapulungan ng 2016 nang may mga inirerekomendang pagbabago.
Komite ng Mga Resolusyon
Sinusuri ng Komite ng Mga Resolusyon ang mga ipinapanukalang resolusyon sa mga isyu bukod pa sa Mga Pagsusog sa Konstitusyon at nagrerekomenda ito ng naaangkop na aksyon ng Kapulungan.
Komite ng Roll Call
Pinapangasiwaan ng Komite ng Roll Call ang pagboto sa pamamagitan ng pag-roll call at isinasaalang-alang nito ang mga protesta ng mga halalan ng Internasyunal na opisyal.
Sergeant-At-Arms
Tumutulong ang Sergeant-At-Arms sa namumunong opisyal sa pagpapatupad ng Mga Umiiral na Panuntunan ng Kapulungan at pagpapanatili ng kaayusan.